
Labor Day message of Senate President Francis "Chiz" G. Escudero
May 1, 2025
LABOR DAY MESSAGE OF SENATE PRESIDENT FRANCIS "CHIZ" G. ESCUDERO
Ang Labor Day ay isang mahalagang pagkakataon upang bigyang-pugay ang ating mga manggagawa--ang tunay na haligi ng ating ekonomiya. Sa kanilang sipag, dedikasyon, at walang sawang pagsisikap, naitataguyod ang mga industriya, negosyo, at serbisyo na nagbibigay-buhay sa ating bansa at kabuhayan sa mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, ang kabuuang lakas-paggawa ng Pilipinas ay umaabot sa mahigit 50 milyong katao. Mula sa iba't ibang sektor--katulad ng agrikultura, konstruksyon, transportasyon, at industriya-- sila ay nagsisilbing lakas ng ating ekonomiya.
Ngayong araw, ating ipagdiwang ang tagumpay at sama-sama nating kilalanin ang kanilang mahalagang ambag sa ating lipunan.
Marami pong salamat sa inyong sakripisyo at pagsusumikap. Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

Distribution channels:
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
Submit your press release