Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Thursday, April 17, 2025 · 804,160,986 Articles · 3+ Million Readers

Message of Senate President Francis G. Escudero

PHILIPPINES, April 7 - Press Release
April 9, 2025

Message of Senate President Francis G. Escudero
ARAW NG KAGITINGAN
April 9, 2025

Sa araw na ito, tayo ay nagbabalik-tanaw at nagpupugay sa mga Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kalayaan at karangalan ng ating bayan.

Sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, ating naaalala ang mga aral ng kasaysayan--na ang kalayaan ay hindi madaling nakakamtan at ito'y pinagbabayaran ng pawis, dugo, at buhay.

Hinihikayat tayo ng araw na ito na patuloy na magsikap para sa bansa at ipakita ang ating tapang at malasakit sa mga hamon ng makabagong panahon.

Ngayon, ipakita natin ang pasasalamat sa mga naging bayani ng nakaraan sa pamamagitan ng pagiging bayani sa kasalukuyan. Mula sa paggawa ng mga maliliit na kabutihan hanggang sa mga dakilang layunin para sa bayan, magkaisa tayong lahat upang patuloy na maipagmalaki ang ating pagiging Pilipino.

Panatilihin nating buhay sa ating puso't isipan ang diwa ng kagitingan.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release